Hindi dapat iugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nakitang ebidensya ang Senado na magpapatunay na overpriced ang mga personal protective equipment (PPE) na binili ng pamahalaan.
Ang Commission on Audit (COA) ang nagsabi na walang overpriced sa mga biniling medical supply ng gobyerno na hindi naman nagkaroon ng ebidensya kaya hindi dapat iugnay kay Pangulong Duterte.
Sakali namang mapatunayan ang pagbago ng production date ng mga face shield na ipinadala sa bansa, tiniyak ni Secretary Roque na hindi ito kukunsintihin ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments