Manila, Philippines – Pinalagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang US Congressional Committee dahil sa pagpuna sa kanyang ‘war on drugs’.
Ayon kay Pangulong Duterte – hindi na siya pupunta ng Amerika kahit imbitahan pa siya ni US President Donald Trump sa White House.
Huwag din aniyang hintayin ng Amerika na siya pa ang mag-imbestiga sa mga paglabag ng karapatang pantao sa kanilang bansa.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella – hindi sila nababahala sa ginagawang imbestigasyon ng US Congress.
Dahil sa pagdinig sa US Congress posibleng maapektuhan ang ginagawang pagtulong nito sa Pilipinas.
Facebook Comments