Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang final report nito sa imbestigasyon tungkol sa pag-overshoot ng eroplano ng Xiamen airlines sa NAIA noong August 16.
Ito ay matapos makuha ang detalye mula sa flight data recorder at ang cockpit voice recorder mula sa nasangkot na Xiamen air flight MF-8667 na dumating na sa Manila galing Singapore noong Biyernes.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, sa ilalim ng International and Philippine Aviation Rules, hindi pa maaring ilahad ang nilalaman ng flight data recorder at cockpit voice recorder hanggang sa mailabas ang final report.
Kinumpirma ng CAAP aircraft accident investigation at inquiry board investigators na nasa good quality ang recording ng black box data.
Nakikipagtulungan na ang CAAP sa Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aeronautics Board (CAB) at sa mga airline operators para bumuo ng proactive measures na layong maiwasang maulit ang ganitong uri ng insidente.