
Muling iginiit ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na imbestigahan ang mahigit 11-bilyong piso na halaga ng mga expired na gamot at bakuna sa mga warehouse at pasilidad ng Department of Health (DOH) na sinita ng Commission on Audit.
Ang hirit ni Lee ay kasunod ng paghahain ni Senator Joel Villanueva ng resolusyon sa Senado para siyasatin ang naturang usapin.
Ayon kay Lee, mahalagang mabusisi kung paano o bakit nasira ang mga bakuna at gamot upang mahanapan ito ng solusyon at matiyak na hindi na mauulit kaakibat ang pagtukoy kung sino ang dapat managot.
Kaugnay nito ay pinagsusumite din ni Rep. Lee ang DOH ng komprehensibong report sa Kamara hinggil sa estado ng mga expired na supply kasama ang mga COVID 19 vaccine.
Nais ding malaman ni Lee kung ano ang ginawang aksyon dito ng DOH.