Imbestigasyon sa ‘bloody sunday’, natapos na ng AO 35 committee

Natapos na ng Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings, Enforced Disappearances, Torture and other Grave Violations of the Right of Life, Liberty and Security of Persons (AO 35 committee ) ang imbestigayon sa ‘Bloody Sunday’ o ang nangyaring joint police-military operations Southern Tagalog nitong Marso 7, 2021 na ikinasawi ng 9 na aktibista.

Ayon kay Justice Secretary Menardo I. Guevarra, handa na ang AO 35 committee na ilabas sa lalong madaling panahon resulta ng imbestigasyon.

Kaugnay nito, ibinasura na rin ng Tanauan City Regional Trial Court (RTC) sa Batangas ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban sa aktibistang si Erlindo Custodio na hinuli sa Quezon noong kasasagan din ng Bloody Sunday.


Dahil dito, agad na ipinag-utos ng korte ang agad na pagpapalaya kay Custodio.

Facebook Comments