Imbestigasyon sa bumagsak na PNP chopper sa Quezon Province, hindi pa tapos ayon sa PNP

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon nang binuong Special Investigation Task Group ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagbagsak ng PNP chopper kamakailan sa Quezon Province na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng dalawa.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, magtutungo pa bukas ang manufacturer ng PNP airbus sa pinangyarihan ng aksidente para tingnan ang lugar at debris ng bumagsak na helicopter ng PNP.

Samantala, inihayag naman ni Col. Fajardo na nakalabas na sa ospital ang co-pilot na nasugatan sa pagbagsak habang isinailalim sa panibagong operasyon ang sugatang piloto nito.


Naibigay na rin daw sa pamilya ni Patrolman Allen Noel Ona ang benepisyo nito matapos na masawi sa pagbagsak ng helicopter nitong February 21.

Matatandaang ang bumagsak na helikopter ay susundo sana kay PNP Chief General Dionardo Carlos sa Balesin Island sa Quezon Province para makahabol sa kanyang aktibidad sa Camp Crame pero bumagsak ito.

Facebook Comments