Nilinaw ng Malacañang na ang nagpapatuloy na imbestigasyon ukol sa mga namatay sa ilalim ng giyera kontra droga ay hindi bahagi ng information sharing agreement sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paglalabas ng impormasyon sa mga nagpapatuloy na police investigations ay exempted sa right to information.
“Pero ‘yung mga ongoing police investigations never subject to freedom of information,” sabi ni Roque.
Malinaw aniya ang mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya ang mga pulis kung ginagampanan lamang nito ang kanynag tungkulin.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi maaaring isiwalat ng pamahalaan ang lahat ng impormasyon na may kinalaman sa war on drugs at paglaban sa insurgency.