Imbestigasyon sa flood control anomaly, may pangmatagalang benepisyo —Sec. Frederick Go

Naniniwala si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na magdudulot ng pangmatagalang benepisyo sa bansa ang isinasagawang imbestigasyon sa flood control anomaly.

Ayon kay Go, makatutulong ang mga pagsisiyasat hindi lamang para maitama ang mga maling gawain sa pagpapatupad ng proyekto, kundi para mas mapabuti ang paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Giit niya, dahil sa mga imbestigasyong ito, mas magiging maayos ang paglalaan ng budget tungo sa mga programang tunay na kapaki-pakinabang sa ekonomiya at sa mamamayan.

Dagdag pa ni Go, kung maayos ang distribusyon ng pondo, mas magiging epektibo ang mga proyekto ng gobyerno at magreresulta ito sa mas mataas na paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho.

Facebook Comments