Imbestigasyon sa flood control projects, ikakasa ngayong araw ng Senado

Iimbestigahan ngayong araw ng Senate Committee on Public Works ang epekto ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at habagat.

Partikular na sisilipin dito ang nangyaring malawakang pagbaha sa Metro Manila at sa mga karatig-lugar sa kabila ng mga flood control projects ng pamahalaan.

Nauna rito ay nanawagan na ang mga senador na imbestigahan kung ano ang nangyari at saan napunta ang ₱244.57 billion na flood control project ngayong taon.


Kasama sa mga ipinatawag ni Committee Chairman Ramon Bong Revilla Jr. para humarap at magpaliwanag sa pagdinig ang mga sumusunod na ahensya:

  • Department of Public Works and Highways (DPWH)
  • Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
  • Department of Environment and Natural Resources (DENR)
  • Department of the Interior and Local Government (DILG)
  • Climate Change Commission
  • Union of Local Authorities of the Philippines
  • League of Cities of the Philippines Secretariat
  • National Economic and Development Authority (NEDA)
  • University of the Philippines Resilience Institute
  • University of the Philippines Disaster Risk and Exposure
  • Assessment for Mitigation Program
  • Metropolitan Waterworks andSewerage System Regulatory Office
  • National Power Corporation
  • National Irrigation Administration (NIA)
Facebook Comments