Imbestigasyon sa flood control projects, ikinakasa na ng Kamara

Ikinakasa na ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-List Rep. Terry Ridon ang pagdinig na target gawin sa susunod na linggo ukol sa flood control projects.

Ayon kay Ridon, unang ipapatawag sa pagdinig si Department Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan at lahat ng regional directors nito.

Diin ni Ridon, kailangang masuri ang existing flood control projects alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez na “thorough review” sa gitna ng naranasang malawakang pagbaha.

Sabi ni Ridon, kapag nalaman na nila ang kondisyon ng lahat ng flood control projects ay susunod nyang ipatatawag ang mga kontratista na nasa likod ng mga sub-standard na mga proyekto.

Facebook Comments