
Walang ibinigay na deadline si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa imbestigasyon ng flood control project.
Sabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, agad-agad ang nais ni PBBM dito para magkaroon ng resulta o maisasapubliko ang maanomalyang mga proyekto.
Dedepende rin aniya ito sa proseso ng gagawing pagsisiyasat.
Nang matanong kung ano ang nag-trigger sa pangulo para mag-utos ng naturang imbestigasyon, sabi ni Bersamin hindi naman bulag si PBBM.
Maaari aniyang nakita niya ito sa 2025 budget, at inalam kung anong nangyari kay Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Manuel Bonoan matapos muling masaksihan ang malawakang pagbaha.
Hindi rin inaalis ng Palasyo ang posibilidad na masakop ng direktiba ni Pangulong Marcos kahit ang mga dating liderato ng DPWH.









