Imbestigasyon sa hazing incident na ikinasawi ng isang Grade 10 student sa Negros Occidental, sinimulan na ng CHR

175

Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa hazing incident na ikinasawi ng Grade 10 student sa San Enrique, Negros Occidental.

Sa ngayon kasi ay natukoy ng mga awtoridad ang tatlong suspek ngunit itinanggi ng mga ito ang nasabing krimen.


Dahil dito, nanawagan si CHR Spokesperson Jacqueline de Guia sa Department of Education (DepEd) na imbestigahan ang insidente na naayon sa kanilang child protection policy.

Nagpaalala naman si de Guia na siguraduhing naipatutupad ng maayos sa mga paaralan at unibersidad ang Anti-Hazing Act of 2008.

Facebook Comments