Imbestigasyon sa insidente sa Resorts World, sisimulan na

Manila, Philippines – Nakahanda na ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa insidente na nangyari nitong madaling araw ng June 2 sa Resorts World Manila.

Nasa tatlong komite na ang magsasama-sama para siyasatin ang nangyaring malagim na trahedya.

Ang mga komite na ito ay ang House Committees on Games and Amusement, Public Order and Safety at Tourism.


Pamumunuan ito ng mga chairman na sina Cong. Gus Tambunting, Cong. Romeo Acop at Congw. Lucy Torres-Gomez.

Dalawang resolusyon ang pinagbasehan ng hakbang na ito ng kamara na pareho itong nagpapaungkat ng lapses sa security at safety protocols sa resorts world na lumutang dahil sa karahasang dulot ni Jessie Carlos na nagresulta sa pagkasawi ng tatlumput pitong indibidwal.

Nasa 90 mga mambabatas ang nagpalista para makapagtanong sa mga inimbitahang resource persons.

Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kongresista at mga resource persons na inimbitahan sa naturang imbestigasyon.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments