Imbestigasyon sa isyu sa importasyon ng asukal, ipinauubaya ni PBBM sa Senado at Kongreso

Ipinauubaya na ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Senado at Kamara ang pag-iimbestiga sa isyu ng iligal na pagpirma ng resolusyong sa importasyon ng 300,000 metric ng asukal.

Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Pinas Lakas Vaccination Campaign event sa Maynila, sinabi nitong mas nakatuon siya ngayon sa paggawa ng paraan upang hindi magtututloy-tuloy ang kakulangan sa asukal lalo na sa industrial consumers katulad ng mga gumagawa ng soda pati pagkain.

Ayaw aniya ng pangulo na maipit ang mga ito dahil may kakulangan ng asukal.


Sa ngayon kasi nagbabawas na nang tao ang ilang kompanya ng soda at ito raw ang kaniyang pinag-aalala ang mawalan ng trabaho ang ilang Pilipino.

Matatandaang una nang inihayag ng Malacañang ang iligal na pagpirma ng resolusyong importasyon ng 300,000 metric ng asukal at ang mga sangkot na opisyal dito ay nagbitiw na sa pwesto katulad ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian.

Facebook Comments