Imbestigasyon sa itinayong resort sa Chocolate Hills, iniutos ng liderato ng Kamara

Ipinag-utos ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng itinayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol na isang protected area at kabilang sa talaan ng UNESCO World Heritage sites.

Ayon kay Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, hindi nagustuhan ng liderato ng Kamara ang pangyayaring ito.

Ayon kay Tulfo, nais malaman ni Romualdez kung sino ang responsable at pumayag na maitayo at mag-operate ang resort sa Chocolate Hills at kailangan ding magpaliwanag ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Dagdag pa ni Tulfro, nais din ng liderato ng Kapulungan na managot ang tanggapan at mga opisyal kabilang na ang Land Registration Authority na responsable sa pagbibigay ng titulo ng lupa na tinayuan ng resort.

Facebook Comments