Imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kina Arnaiz at De Guzman, tinapos na ng DOJ

Manila, Philippines – Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa teenagers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Kanina, lumutang sa opisina nina Senior Assistant State Prosecutor Ma. Emilia Victorio At Assistant State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra, ang mag-asawang Solomon Rosca at Madelene Soliman na testigo ng mga respondents na pulis na sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Pinanumpaan ng dalawang pulis ang kanilang sulat-kamay na joint affidavit sa harap nina Victorio at Pacamarra.


Batay sa sinumpaang-salaysay ng mga testigo, namamasada sila ng tricycle noong madaling araw ng August 18 kung kailan napatay si Carl Angelo sa C3 -road, Caloocan City.

Anila, isang lalaking nakasuot ng itim na jacket at hinahabol ng dalawang lalaking sumisigaw at nagpakilalang mga pulis.

Bumunot anila ng baril ang lalaking naka-itim na jacket at pinutukan ang dalawang nagpakilalang pulis kaya gumanti ito ang mga ito ng putok.

Facebook Comments