Imbestigasyon sa kasong pagpatay sa isang abogado sa South Cotabato, tinututukan ng PNP

Inutos na ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon kaugnay sa kaso ng pagpatay sa abogadong si Atty. Juan Gammad Macababbad ng South Cotabato.

Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, partikular niyang inutusan ang Regional Office ng PNP sa SOCCSKSARGEN na tutukan ang kaso at tugisin kung sino man ang nasa likod ng krimen.

Sinabi pa ni Eleazar na ang PNP ay kaisa ng legal community sa pagkondena sa mga pagpatay ng mga abogado sa bansa.


Matatandaang kahapon nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa tukoy na mga salarin na sakay ng motorsiklo si Macababbad sa harap mismo ng tahanan nito sa Brgy. Libertad sa Surallah.

Nagpapatuloy ang ikinasang follow – up operations ng local police para tugisin ang mga salarin.

Facebook Comments