Imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth, posibleng lumagpas sa deadline

Posibleng lumagpas sa September 14 deadline na maibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Usec. Markk Perete, ito ay dahil sa natuklasan nilang malalim na problema sa loob ng ahensiya.

Pero bago ang deadline, inaasahan na nilang mayroon nang maisasampang kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian sa state run insurance agency.


Paliwanag ni Perete, kasalukuyan nasa proseso ang DOJ sa pangangalap at pagkolekta ng mga ebidensiya.

Sa susunod na linggo magtutungo ang composite team ng task force sa opisina ng PhilHealth para i-check ang inventory at i-validate ang mga dokumento na isinumite sa DOJ.

Kasabay nito, tiniyak ni dating PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na hindi niya tatakasan ang imbestigasyong kinakaharap kahit pa nagbitiw na sa pwesto at may problema sa kalusugan.

Sa kabila aniya ng mga alegasyon, may sapat na pera ang PhilHealth para magtuloy-tuloy sa kanilang serbisyo.

Facebook Comments