Hindi na itutuloy ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon nito hinggil sa kontrobersyal Na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ito ay matapos umanong hilingin ng Office of the President sa PACC na suspendihin na ang imbestigasyon nito dahil madodoble lang ang pagsisiyasat at posibleng maaksaya lang ang oras.
Nabatid na bukod sa komisyon, nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang Senado at Ombudsman.
Ayon pa sa PACC, maging DOJ at NBI ay inihinto na ang kanilang imbestigasyon.
Sabi naman ni PACC Commissioner Greco Belgica, isusumite nila sa pangulo ang kanilang report at rekomendasyon base sa mga isinagawa nilang fact findings.
Facebook Comments