Manila, Philippines – Suportado ng Palasyo ng Malacañang ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa sa magkakasunod na pagkakapatay ng Caloocan Police kina Carl Angelo Arnaiz at Kian Delos Santos.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakikiisa sila sa pagkondena sa sinapit ng dalawang binatilyo.
Tiniyak din nito na nakahandang dumalo ang mga ipatatawag na opisyal ng pamahalaan para makipagtulungan sa imbestigasyon.
Matatandaan na patuloy ang pag-ani ng pagkondena ang pagpatay kina Delos Santos at Arnaiz pati na ang 14 na taong gulang na si Reynaldo de Guzman na natagpuang patay sa Pampanga na nakabalot ng packing tape ang ulo at tadtad ng saksak.
Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang humarap sa mga magulang ng dalawang kabataan ang nag-utos sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang insidente para makamit ang katarungan at mapanagot ang nagkasalang pulis.