Imbestigasyon sa Malasakit Centers, aprub kay Sen. Go

Manila, Philippines – Walang pagtutol si Senator Bong Go sa isinusulong na imbestigasyon sa Malasakit Centers ni Albay Representative Edcel Lagman.

Sa tingin ni Senator Go ay tila nag-uulyanin na umano si Representative Lagman matapos nitong batikusin ang Malasakit Centers at paimbestigahan.

Giit ni Go, papaano masasabing ginagamit sa pamumulitika ang Malasakit Centers gayung tapos na ang election at ang lahat ay maaaring humingi ng tulong dito ano man ang kanilang political colors.


Ayon kay Go, ang Malasakit Center ay one stop shop lamang at hindi ahensiya o tanggapan ng pamahalaan.

Paliwanag ni Go, sa pamamagitan ng Malasakit Centers ay pinagaan at pinabilis lang ang serbisyo ng gobyerno para sa mga kapuspalad na nangangailangan ng tulong medikal.

Ito ay dahil nagsama-sama aniya sa Malasakit Centers ang mga ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), PhilHealth at Department of Health (DOH).

Facebook Comments