MANILA – Itinakda na bukas, april 7, ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang imbestigasyon sa marahas na dispersal ng mga otoridad sa mg magsasaka na nagsagawa ng kilos protesta sa kidapawan city kung saan tatlo sa mga ito ang nasawi at marami ang nasugatan.Ang pagdinig ay idaraos sa University of Southeastern Philippines sa Davao City.Ang imbestigasyon ng senado ay alinsunod sa senate resolution number 1739 na inihain ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.Nakapaloob sa resolusyon ni Marcos na target ng pagdinig na mailatag ang karmpatang tulong na dapat ipagkaloob sa mga magsasaka na na nagprotesta dahil sa kawalan ng ayuda sa kanila ng pamahalaan sa kabila ng matinding epekto sa kanila ng tagtuyot.Hangad din sa resolusyon ni Marcos na maigawad ang katarungan sa mga nasawing magsasaka at mga nasugatan dahil sa marahas na pagtataboy sa kanila ng mga otoridad.Binigyang diin ni Marcos sa kanyang resolusyon na nakakalungkot na ang pagmamakaawa ng mga magsasaka at ng iba pang nagprotesta na nagugutom dahil sa krisis sa naturang probinsya ay sinalubong ng karahasan mula sa mga pwersa ng gobyerno at nagdulot pa ng pagdanak ng dugo.
Imbestigasyon Sa Marahas Na Dispersal Sa Mga Magsasaka Sa Kidapawan, Ikinasa Na Ng Senado
Facebook Comments