Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na tuloy ang imbestigasyon sa dalawang empleyado ng Philippine News Agency o PNA kasunod ng kapalpakang ginawa ng mga ito.
Ayon kay Andanar, dadaan sa proseso ang mga empleyadong sangkot sa kapalpakan at sakaling mapatunayang nagkulang ay talagang parurusahan ang mga ito.
Sinabi din nito na muling sasalain ang mga empleyado ng PNA matapos ang magkasunod na kapalpakan nito, magkakaroon aniya ng rescreening, retraining at evaluation ang empleyado ng PNA upang matiyak na maayos ang serbisyon ibinibigay ng mga ito sa publiko.
Tiniyak din naman ni Andanar na pagagandahin pa ang serbisyo ng PNA dahil maraming umaasa dito.
Matatandaan na bumuo ng editorial board si Andanar na siyang magsasala sa mga ilalabas na balita ng PNA upang hindi na maulit ang mga kapalpakan.