Imbestigasyon sa mga kwestyunableng ERs na nadiskubre ng PPCRV, sinimulan na ng COMELEC

Iniimbestigahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kwestyunableng election returns (ERs) na umano’y nadiskubre ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ang mga sinisiyasat na ER ay natuklasan sa manual validation process na ginagawa ng PPCRV kung saan nakita ang mga pagkakaiba sa mga numerong inilabas ng transparency server ng poll body.

Nabatid na nagmula ang mga ito sa apat na clustered precinct sa mga lalawigan ng Quezon, Masbate, at Cebu na kabilang sa halos 79,000 ERs na na-encode ng PPCRV.


Samantala, nilinaw naman ni COMELEC Commissioner George Garcia na ang mismatch sa mga ERs ay dahil sa “double transmission” ng mga resulta at ang pagsama ng mga resulta mula sa testing ng VCMs.

Facebook Comments