Imbestigasyon sa mga pagpatay na may kaugnayan sa iligal na droga, iginiit ni US ambassador Sung Kim; P-Duterte, nanindigang hindi kinukunsinti ang mga pagpatay

Manila, Philippines – Nagpulong kahapon sa Palasyo ng Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Batay sa impormasyong inilabas ng Palasyo, iginiit ni Ambassador Kim ang pangangailangan na magsagawa ng imbestigasyon sa mga pagpatay na may kinalaman sa iligal na droga para manatili ang tiwala ng publiko sa administrasyon.

Inihayag naman ni Pangulong Dutere na ang mga anti-illegal drug operations ng Philippine National Police ay nakabase sa umiiral na batas at tiniyak din ni Pangulong Duterte kay Kim na hindi kinukunsinti ng pamahalaan ang mga abusadong pulis.


Bukod sa isyu ng droga ay natalakay din sa nasabing pulong ang issue ng Commission on Human Rights kung saan sinabi ng Pangulo na hindi niya diniktahan ang kongreso na gawing 1 libong piso ang budget ng CHR dahil wala naman aniya siyang control sa lehislatura.
Kasama naman sa pulong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Finance Secretary Carlos Dominguez at Public Works Secretary Mark Villar.

Facebook Comments