Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III (DOLE) na ang gobyerno dapat ang manguna sa imbestigasyon sa mga pagpatay sa labor leaders at hindi ang International Labor Organization (ILO).
Ayon kay Bello – dapat munang magbigay ng dahilan ang mga foreign investigators kung bakit sila pupunta rito.
Iginiit ni Bello na dapat manguna ang mga local investigators bago sila makapagsagawa ng sarili nilang imbestigasyon.
Kung sa tingin nila na hindi patas ang ating imbestigasyon o hindi naaayon sa batas, dito sila pumasok at humingi ng pahintulot.
Matatandaang iniulat sa 108th International Labor Conference sa Geneva, Switzerland na 43 trade unionist ang pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Dito inirekomenda ng ILO-Committee on the Application Standard na magsagawa ng imbestigasyon.
Ang ILO High-Level Mission ay nakatakdang dumating sa bansa sa Setyembre kung papayagan ito ng gobyerno.