Sisimulan na ng National Food Authority (NFA) na imbestigahan ang ilang mga pekeng kooperatiba na ginagamit ng ilang mga negosyante para makapagbenta ng palay sa ahensya.
Ito ay matapos sabihin ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na nakatanggap siya ng mga ulat na ilang mga negosyante ang nasa likod nasabing modus.
Ayon kay NFA Administrator Tomas Escarez, base sa mga umiiral na patakaran, kailangan ng farmers passbook at certification mula sa DA ng isang kooperatiba bago makapagbenta ng palay sa NFA.
Giit ni Escarez, mahigpit nilang ipinatutupad ang mga alituntunin na tanging mga registered cooperative lamang ang siyang bibilhan nila ng palay.
Facebook Comments