Imbestigasyon sa missing sabungero case, dapat palawakin pa kung may koneksyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte —Palasyo

Nais ng Malacañang na palawakin pa ang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito’y matapos isiwalat ng Department of Justice (DOJ) na base sa natanggap nilang impormasyon, may posibilidad na konektado ang ilang indibidwal na dating sangkot sa war on drugs ng administrasyong Duterte sa misteryosong pagkawala naman ng mga sabungero.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, susuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawig ng imbestigasyon para matukoy ang buong lawak ng kaso.

Nilinaw naman ni Castro na hindi nila idinideklarang may guilty na kaso pero naninindigan aniya si Pangulong Marcos na mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Facebook Comments