Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad maging ang paghahanda sa mga kinakailangang dokumento kung sakaling magsampa ng kaso ang mga nasangkot pag-aaro ng Isang truck sa labing tatlong sasakyan sa Rosales, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang driver ng truck habang binabaybay nito ang kahabaan ng Manila North Road, Carmen West, Carmen sa nasabing bayan.
Kinumpirma ni PNP Rosales Chief of PolicePMaj. Noel DC Cabacungan sa IFM News Dagupan na bagamat mabigat ang mga pangyayari, ay sa maswerteng walang nasawi.
Nasa kustodiya ngayon ng kapulisan ang driver at pahinante.
Ayon sa Land Transportation Office Region 1, nai-issuehan ito ng show cause order matapos lumabag sa Section 27 Republic Act 4136 o mas kilala bilang Land Transportation Traffic Code.
Dagdag ng ahensya,nakatakdang bawiin ang Lisensya ng driver.
Sa ngayon, inaalam pa ng kapulisan ang kabuuang danyos sa naturang insidente.
Paalala ng PNP Rosales ang ibayong pag-iingat ng mga motorista sa mga pagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨