Imbestigasyon sa nagretirong si COMELEC Director James Jimenez, tuloy sa kabila ng kaniyang early retirement

Tiniyak ng liderato ng Commission on Election (COMELEC) na tuloy ang imbestigasyon nila laban kay retired COMELEC Director James Jimenez.

Sa kabila ito ng maagang pagreretiro ni Jimenez.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, maaari namang magretiro si Jimenez habang nagpapatuloy ang fact-finding investigation laban sa kaniya.


Tiniyak din ni Garcia na nasa mabuting kamay ang Education and Information Department ng poll body kahit na nagretiro na si Jimenez.

Pumipili na rin aniya sila ng hahalili kay Jimenez.

Nadawit sa kontrobersiya si Jimenez matapos na hindi mabayaran ang P14 milyon sa Sofitel Hotel kaugnay sa presidential at vice presidential debate para sa May 2022 national elections.

Facebook Comments