Imbestigasyon sa nangyaring ammonia leak sa Navotas, sinimulan na ng CDRRMO; paglipat ng mga pabrika o planta sa lungsod, ipinanawagan

Sinimulan na ng Navotas City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang imbestigasyon sa nangyaring ammonia leak sa isang planta ng yelo sa lungsod kung saan dalawa ang nasawi at pagkakaospital ng 96 na residente.

Ayon kay Navotas CDRRMO Head Vonne Villanueva, nagmula ang leak sa pumutok na tanke ng planta na naglalaman ng 500 gallons ng ammonia.

Gayunman, inaalam pa nila kung ito ay aksidente o sinadyang pasabugin.


Tiniyak naman ni Villanueva na patuloy ang kanilang monitoring sa lugar at binabantayan ang magiging epekto.

Kasabay nito, nanawagan ang mga residente sa lokal na pamahalaan ng Navotas na makabubuting ilipat na ang mga pabrika o planta sa non-residential area para maiwasan ang kaparehong insidente.

Pero paglilinaw ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, industrial zone ang pinagtatayuan ng planta ng yelo hanggang sa pinagtitirikan ng bahay ng mga residente.

Facebook Comments