Bukas, May 14, ay muling magsasagawa ng pagdinig ang House Committee on Natural Disaster ukol sa pagkamatay ng 98 katao sa landsline na naganap sa Maco, Davao de Oro noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, hindi kinakalimutan ng Kongreso ang nabanggit na trahedya na hindi maaring balewalain dahil sa dami ng buhay na nawala.
Sa katunayan, ayon kay Congressman Tulfo, pinamamadali na ni House Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon sa naturang landslide upang madetermina ang ugat nito, sino ang dapat managot at ano ang dapat na gawin upang hindi na maulit.
Umaasa si Tulfo na matutukoy na sa pagdinig kung sino ang nagpahintulot na magtayo ng kabahayan sa lugar kahit ipinagbabawal dahil deklarado itong ‘no build zone’ dahil sa madalas na landslide.