Imbestigasyon sa pagkamatay ng isang grade 11 student sa police operation, ikinakasa na ng Senado

Manila, Philippines – Handa si Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon ang imbestigasyon sa pagkamatay ng grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos sa anti-drug operations ng pulisya sa Caloocan.

Naniwala si Senator Gordon na may mga ebidensya na magpapakita na may iregularidad sa pagkamatay ng biktima na ayon sa mga pulis ay nanlaban at naunang bumaril sa kanila.

Tinukoy ni Gordon ang CCTV at mga saksi na nakikita sa pagdampot ng mga pulis sa biktima na makalipas ang isang oras ay natagpuan ng patay.


Sabi ni Gordon, hihingan din niya ng report ang PNP Internal Affairs Service kaugnay sa nabanggit na insidente.

Sa tingin ni Gordon, overkill na ang mga hakbang ng pulisya kaugnay sa war on drugs.

Kasabay nito ay iginiit ni Gordon na hindi matutuldukan ang problema sa illegal drugs sa pamamagitan lang ng pagpatay.

Facebook Comments