
Sa ambush interview sa Ocular Inspection ng mga bentahan ng paputok sa Bocaue Bulacan sinabi ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief Police Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., na patuloy na gumugulong ang imbestigasyon sa pagkasawi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.
Ayon sa kanya, bagaman na itinuturing ang anggulong suicide sa nasabing insidente ay mas mainam pa rin na hintayin ang pinakapinal na resulta ng imbestigasyon.
Patuloy naman ang pangangalap ng PNP katuwang ng National Bureau of Investigation (NBI) ng iba pang mga impormasyon at ebidensya sa nasabing insidente.
Kaugnay nito, nananatili namang person of interest ang driver ng nasabing nasawing dating Usec. ng DPWH.
Facebook Comments









