Imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero, maiging alisin na sa kamay ng PNP

Iminungkahi ni Senator Christopher Bong Go na alisin na sa kamay ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iimbestiga sa pagkawala ng mga sabungero na sangkot sa online o E-sabong.

Sinabi ito ni Go makaraang lumabas sa pagdinig ng Senado na may mga pulis na kabilang umano sa sampung suspek sa pagdukot sa isang E-sabong master agent sa San Pablo, Laguna.

Base naman sa testimonya ng ilang sabungero na humarap sa Senate hearing, ay may ilang pulis na nagbanta sa kanilang buhay dahil sa kanilang pandaraya umano o pag-tyope sa manok.


Unang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na mag-imbestiga sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Pero giit ni Go, ngayong may mga pulis na sangkot sa kaso ay dapat ng ilipat sa ibang ahensya ang pagsisiyasat para maging patas at mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments