Muling binuksan ng Department of Justice ang imbestigasyon nito sa kinakaharap na reklamo laban kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.
Ito ay may kaugnayan sa paglabag umano ng Senador sa quarantine protocols nitong umiiral na pandemya sa bansa.
Nabatid na magkaroon ng bagong submission ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Pimentel.
Bunsod nito, sa utos ni Assistant State Prosecutor Wendell Bendoval, muling magsasagawa ng preliminary investigation sa kaso.
Ayon kay Bendoval, noong Sept. 4, 2020 ay naisumite na ng NBI ang memorandum sa ginawa nitong hiwalay na imbestigasyon sa insidente na nangyari sa Makati Medical Center.
Kabilang sa isinumite ang incident reports mula kay Makati Med Director Saturnino Javier.
Magugunitang nagtungo sa Makatimed si Pimentel para samahan ang buntis na asawa sa kabila ng pagiging positibo nito sa COVID-19.