Imbestigasyon sa pagpatay sa siyam na aktibista sa CALABARZON, hindi isang PR stunt – Malacañang

Itinanggi ng Malacañang ang mga akusasyong publicity stunt lamang ang isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay sa siyam na aktibista sa CALABARZON.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng imbestigador ay nanumpa na porprotektahan ang Konstitusyon na siya namang naproprotektahan sa karapatang mabuhay.

Hindi aniya nagkomento si Pangulong Duterte sa isyu dahil may gumugulong na imbestigasyon sa mga magkakahiwalay na insidente.


Pinasinungalingan din ni Roque ang nagkaroon ng misinterpretation sa direktiba ni Pangulong Duterte na patayin ang mga rebelde at balewalain ang human rights.

Paliwanag pa ni Roque, kung walang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga pulis at armadong personalidad, dapat ay sinunod ng mga pulis ang Revised Penal Code at human rights law.

Pero dinipensahan din niya ang Philippine National Police (PNP) at iginiit na may banta ring nakatali sa mga nagsisilbi ng search warrant.

Facebook Comments