Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga imported na karneng baboy na naipupuslit sa loob ng bansa partikular sa isang cold storage facility sa lungsod ng Maynila.
Kasunod ito ng pagkakasabat ng mga awtoridad sa mahigit anim na toneladang frozen pork belly na iligal na ipinasok sa bansa mula Germany.
Batay sa impormasyon ng City Veterinary Inspection Board ng Maynila, nagsasagawa ng routine inspection ang kanilang mga tauhan nang mapunang ibinababa ang kahon-kahong karne.
Dito ay nasabat na ang imported karneng baboy na aabot sa halagang P1.5 million.
Napag-alaman na naibebenta online ang pork belly sa halagang P245 kada kilo.
Kasama naman ang Germany sa mga bansang may kaso ng African Swine Fever (ASF) na may pinaiiral na temporary ban sa importasyon ng domestic at wild pigs.