Imbestigasyon sa pagrereseta ng ilang doktor ng gamot na kanilang pagmamay-ari, sisimulan na ng Senado

Sisimulan na ng Senado sa Martes, April 30 ang imbestigasyon sa report na may ilang doktor ang may share o nagma-may-ari ng pharmaceutical company at nagrereseta sa mga pasyente ng sarili nilang gamot.

Pangungunahan ang imbestigasyon ng Senate Committee on Health.

Ayon kay Senador Bong Go, chairman ng komite, hindi katanggap-tanggap ang conflict of interest ng ilang doktor at ang paglabag ng mga ito sa ethical standards sa medical profession lalo na’t buhay ng mga Pilipino ang nakasalalay rito.


Layon din ng imbestigasyon na pag-aaralan ang posibleng pag-amyenda o pagpasa ng mas striktong regulasyon para mas mapangalagaan ang integridad ng medical profession tungo sa pagprotekta ng buhay at kalusugan ng bawat Pilipino.

Hinamon din ni Go ang Department of Health at ang Professional Regulations Commission na imbestigasyon ang naturang alegasyon.

Facebook Comments