Imbestigasyon sa Pamamaril sa Isang Negosyante sa Cauayan City, Patuloy

326

Cauayan City, Isabela-Inaalam pa rin ng Cauayan City Police Station ang pagkakakilanlan ng suspek na namaril sa isang negosyante partikular sa Brgy Labinab, Cauayan City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon na ng 98.5 iFM Cauayan, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tagapagsiyasat ng pulisya upang matukoy ang mga salarin na hinihinalang riding-in tandem at kung ano ang tunay na motibo sa pamamaril kay Jayson Limbauan, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing barangay.

Magugunita noong September 26, 2020 dakong alas 8:00 ng gabi, habang bumabaybay sa kahabaan ng barangay Labinab ang biktima lulan ang minamanehong sasakyan nang biglang pagbabarilin ng maraming beses.

Maswerte namang nakaligtas ang biktima dahil nadaplisan lamang ito sa leeg na agad dinala sa pagamutan.

Kaugnay nito, isa sa nakikitang motibo ng kapulisan sa nangyaring insidente ay panghoholdap dahil na rin sa hanap buhay ng biktima.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa isang pagamutan sa Lungsod ng Cauayan ang nasabing biktima.

Facebook Comments