Binigyan na ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang imbestigasyon laban kay Ambassador Marichu Mauro na umano’y nang maltrato ng isang kababayan nating kasambahay.
Sa impormasyong ipinarating ni Senador Bong Go sa Malacanang Press Corps (MPC), nakarating na sa Pangulo ang sumbong at nagbigay na ito ng basbas para ituloy ang imbestigasyon, matapos itong irekomenda ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin.
Ang impartial investigation ay isasagawa alinsunod sa probisyon ng batas partikular ng Foreign Service Act of 1991.
Matatandaang si Ambassador Mauro ay agad pinauwi rito sa bansa matapos magtrending ang ilang video footages ng kaniyang pagmamaltrato sa isang Filipinang kasambay nito sa Brazil.
Facebook Comments