Imbestigasyon sa paraan ng pagtakas ng bansa ni Alice Guo, tuloy – DOJ

Magpapadala ng team sa Malaysia ang Department of Justice (DOJ) para mag-imbestiga kung paano nakalabas ng bansa ang sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo.

Sa ambush interview kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, layon daw nitong i-follow up ang pinagmulan ng aircraft na nagdala kay Guo sa Kuala Lumpur.

Muli ring nanindigan ang kalihim na malabo ang unang sinabi ng umano’y kapatid ni Alice na si Shiela Guo na tumakas sila palabas ng bansa sakay ng bangka.


Sa isang pagdinig ng Senado, ibinunyag ni Immigration Commisioner Joel Viado na lumipad si Alice patungo sa Malaysia noong July 18.

Nahaharap ngayon si Guo Hua Ping alyas Alice Guo sa patung-patong na kaso kabilang na ang graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa operasyon ng iligal na Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa.

Facebook Comments