Imbestigasyon sa PrimeWater, hindi dahil sa endorsement ni VP Sara kay Rep. Camille Villar —Malacañang

Hindi pulitika ang dahilan kung bakit pinaiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PrimeWater na pag-aari ng mga Villar.

Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni VP Sara Duterte na pinopolitika si Camille Villar matapos niya itong i-endorso.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang aasahan ang administrasyon na magandang marinig sa Bise Presidente dahil sarado na ang isip nito sa mga ginagawa ng administrasyon.

Inaasahan na aniya nila na laging pamumulitika ang pambanat ni VP Sara pero ang isyu tungkol sa kanya ay hindi pa rin niya sinasagot hanggang sa ngayon.

Giit ng Palasyo, obligasyon ng gobyerno na tugunan ang lahat ng hinaing ng publiko sa PrimeWater kaya ipinag-utos ang pag-iimbestiga.

Hamon naman ni Castro kay VP Sara bilang Bise Presidente ay gumamit ng mga datos at mataas na lebel ng reasoning kung makikipagdiskusyon.

Facebook Comments