Imbestigasyon sa riot na naganap sa loob ng NBP, nagpapatuloy; duty officer ni-relieve na rin sa pwesto

Sugatan ang nasa siyam na Person Deprived of Liberty o PDL matapos mamaril ang isang inmate sa loob ng quadrant 3 ng Maximum Security Compound pasado alas-9:00 kagabi.

Bago nangyari ang insidente, nagkaroon muna ng away ang dalawang PDL na miyembro ng Bahala at Batang City Jail sa quadrant 3.

Nakisali umano ang ibang PDL sa away ng dalawa at nagpaputok ito ng baril.


Nadala naman agad sa ospital ang mga sugatang PDL habang na-recover naman ang kalibre 45 na baril na ginamit sa pamamaril.

Samantala, ni-relieve na rin ang duty officer habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at naka-red alert pa rin naman ang buong New Bilibid Prison.

Facebook Comments