Imbestigasyon sa serye ng cybersecurity attacks sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, isinulong sa Kamara

Pina-iimbestigahan nina 4Ps Party-list Representative JC Abalos at Minority Leader Marcelino Libanan sa House Committee on Information and Communications Technology ang magkakasunod na cyberattack sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kasama ang Kamara.

Sa inihaing House Resolution 1392 nina Abalos at Libanan ay nakasaad na layunin ng imbestigasyon na madetermina ang lawak ng panganib na idinulot ng cyberattack sa mga institusyon ng gobyerno at sa mga personal na impormasyon ng mamamayan.

Bukod sa website ng House of Representatives, kabilang sa mga nabiktma ng cyberattack nitong mga nagdaang linggo ang Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Statistics Authority.


Bunsod nito ay target ng pagdinig na makapaglatag ng mga solusyon at hakbang na magpapalakas sa ating National Digital Defenses para maproteksyunan ang data privacy sa Pilipinas.

Facebook Comments