Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Eastern Pangasinan.
Sa San Quintin, kinilala na ang mga suspek sa pamamaril noong madaling araw ng Linggo.
Ayon kay PCOL. Rollyfer Capoquian, identified na ang mga salarin at kasalukuyang isinasailalim sa malalimang imbestigasyon. Isa sa mga nakaligtas na biktima ay nakuhanan na ng salaysay. Inaasahang maisasampa ang kaso ngayong linggo.
Samantala, sa Urdaneta City, binubusisi ng mga imbestigador ang kaso ng pamamaril sa isang barangay tanod sa Brgy. Pinmaludpod. Kasalukuyang sinusuri ang background ng biktima at ang mga CCTV footage sa lugar.
May tinitingnang anggulo na rin ang mga awtoridad na maaaring makapagbigay-linaw sa insidente.
Sa parehong kaso, hustisya ang sigaw ng mga naiwang pamilya ng mga biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









