Pinamamadali ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa Energy Regulatory Commission o ERC ang imbestigasyon kaugnay sa sobrang singil ng Meralco sa mga consumer.
Ang apela ng mambabatas ay kaugnay na rin sa 53.63 centavos per kilowatt hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan, katumbas ito ng ₱102 na dagdag-singil sa kabuuang electric bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWH kada buwan.
Hirit ni Zarate sa ERC na tigilan na ang pag-upo sa mga reklamo laban sa Meralco upang mapagaan ang paghihirap ng milyon-milyong mga consumer.
Pinatitiyak ng kongresista na mapapanagot ang Meralco sa lahat ng sobrang singil na ipinasa nito sa mga consumers.
Umaasa ang progresibong mambabatas na hindi ito mauuwi sa kaso ng delayed na malaking power rate increase para maitago ang sana’y refund na dapat maibalik sa publiko.