Nanawagan si House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Ruiz Daza sa Mabang Kapulungan na gampanan ang kapangyarihan nito sa oversight.
Ayon kay Daza, ito ay upang siyasatin kung nagagastos ng tama ang pondo ng National Power Corporations (NPC) para sa Small Power Utility Group.
Mungkahi ito ni Daza sa harap ng hindi pa rin nababayaran na ₱1 bilyong utang ng NPC sa Small Power Utility Group na posibleng magdulot ng krisis sa enerhiya.
Babala ni Daza, kung hindi mareresolba ang nabanggit na utang ng NPC ay mawawalan ng kuryente ang missionary electrification areas na sineserbisyuhan nito sa 34 na probinsya.
Iginiit ni Daza na ang kakulangan sa enerhiya ay tiyak may negatibong epekto sa mga mag-aaral, mga kawani, mga oportunidad sa ekonomiya at sa modernong kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.