Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon tungkol sa umano’y tagong yaman ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito’y matapos ibasura ng kamara ang impeachment complaint na inihain laban kay Bautista.
Ayon kay Senate Committee on Banks, Currencies and Financial Institutions Chairman Francis Escudero – sa oras na pinal nang ibinasura ng plenaryo ang reklamo ay itutuloy nila ang pagdinig.
Layo ng pagdinig na alamin tungkol sa iba’t-ibang bank accounts umano ni Bautista pero kinakailangang pumirma ng bank secrecy waiver ang COMELEC Chairman.
Nabatid na isiniwalat ng misis ni Bautista na si Patricia ang aniya’y hindi tapat na paglalahad nito ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Facebook Comments