Para kay Senator Risa Hontiveros, napapanahon ng imbestigahan ng Senado ang alegasyong pinopondohan ‘di umano ng pamahalaan ang troll farms.
Paliwanag ni Hontiveros, Kung totoo ang mga state-funded troll farms ay malaking kahihiyan at katiwalian ito sa ating gobyerno.
Aniya, Hindi dapat ginagamit ang kaban ng bayan sa pagpapakalat ng agam-agam at paglalako ng mga kasinungalingan.
Ayon kay Hontiveros, kabastusan ito sa taumbayan, lalo na sa panahon ngayon kung saan maraming Pilipino ang nangangailangan ng tulong sa kabuhayan at serbisyong pangkalusugan.
Dagdag pa ni Hontiveros, hindi tayo pwedeng manahimik at magsawalang-kibo kung ginagamit ang pondo ng taumbayan sa pagsisinungaling at pag-mamanipula sa publiko para sa ambisyon at interes ng iilang makapangyarihan.